This blog is nonsense. It contains thoughts from the author. Comments and Tags are all welcome here.If you think this blog may offend you in any way possible, I am requesting for your kind forgiveness. Please look for the Profile Section or contact the sponsor of the author, A-MAC inc(475-0963) for more information. Thank You.

', event, 'black')" onMouseout="hidefloatie()">About This Blog
| Blog Archive

DeadLetterBox pt 2

The Loneliest Caged Bird Sings the Saddest Song




Thursday, November 08, 2007
conclave of lost words in conundrum

this transparent

glass compartment..

is slowly filled up...

and the water is already 20 meters deep...

and the time i wasted...

is slowly choking me up...

i'm pulled beneath by the burdens i desperately keep...

drowned by the high hopes...

and failed expectations i thought i can exceed...

i am with the gravity...

i am running out of time...

out of breath...

and for a short time i'll be out of reach...

deep within...

words are meaningless...

and i'm screaming...

shouting the words my tongue could not convey...

hush...

hush...

and i hope you could read through the bubbles...

and witness my desperation...

before i slowly run out of breathe...

and be exiled in oblivion...

Posted at 11:12 pm by arjen
Make a comment  




Tuesday, April 10, 2007
Kagaguhan

Wala na muna ang Journal na ito... Under Construction ang may-ari...

Please Bear with  me... haha...

Pansamantalang mamamaalam ito...

may iilang post na maiiwan...

haha...


Posted at 06:57 am by arjen
Make a comment  




Sunday, December 31, 2006
"Close your Eyes and Welcome the night"

Ayoko nang sumunod sa okasyon...sa uso...

isasama ko nga yan sa new year's resolution ko...

di bale na lang... tutuparin ko pala muna yung mga resolutions ko noon pang Barangka Elem Days ko... tagal na rin nun... pinasulat pa yon samin sa isang Grade 6 pad paper na mas kilala sa pangalang Intermediate paper...

wala namang pinagkaiba...parepareho lang hanggang noong last year... at parepareho rin ang resulta...di rin lahat natupad...walang pinagkaiba yung pinasulat sa grade 6 paper at yung mga ibinubulong ko sa sarili ko... haha... iisa lang naman talaga yun at di mahirap malimutan... di ko pa rin magawa... lagi na lang tongue-tied... hehe...

Ayoko nang ituloy 'to...tinatamad na ko... haha...

isasama ko na rin yan sa new year's resolution ko...

at baka masama na rin yan sa mga di ko matupad...



Close your eyes...

Welcome the night...

*********

Ilang oras na lang year of the fire pig na... 

kahit pa kulang ang presence ng pag-welcome sa new year...

darating pa rin ang 2007 na yan...

kapos sa paputok, kulang sa ingay dito...

not until this moment( nakaririnig na ko ng mga manakanakang paputok at piccolo lang ata yun...habang tinatype ko ito...)

taeng bakasyon 'to, may project na gagawin...kumusta naman yon? (haha... ang aking unang pagsubok sa pagsabi nun... ok din pala...hehe)

Nasan na kaya ang mga torotot? wala na kong marinig... tae, tumanda na kasi kami eh,specifically ako...haha, hanggang torotot at lusis lang ako noon eh... ayun simula nang binitawan ko na  ang torotot wala nang sumunod na mga bata... lahat stick na pula  o box na may pirata sa mukha na ang hawak... watusi o piccolo...

"walang kwenta... di kasi maingay eh... sobrang tahimik... "

ayan tuloy may bigla akong natandaan...isang nilalang...

masaklap...walang kwenta...

dahil New Year ngayon...kelangan Happy...

Happy New Year!

Bagong Taon na...

Manigong Bagong taon!

kasunod niyan...

May Pasok na!...

ewan...la akong masabi...

Do you feel love or a lack there of?
Love is a bond without reason
A cry for connection
A light in your eyes
Love is a reason for living, a reason for trying, a reason for life
Forget the feeling
Forget all of your reasons
Life is love or the lack there of
Love is a reason for living, a reason for dying
Love is everything
Love means everything
-Juliana Theory, Everything

 

 

see you in 2007...

 

 

 

 


Posted at 09:19 pm by arjen
Make a comment  




Monday, December 25, 2006
"Yule Shoot Your Eye Out"

"These are your good yearsDon't take my adviceYou never wanted the nice boys anywayAnd I'm of good cheer'Cause I've been checking my listThe gifts you're receiving from meWill beOne awkward silenceAnd two hopes you cry yourself to sleepStaying up, waiting by the phoneAnd all I want this year is for you to dedicate your last breath to meBefore you bury yourself alive"-- P.S FOB

wala lang...X-mas eh...

di ko na nakikita si Macabebe AKA Popoy ah...matagal-tagal na rin yun... at kung di kita kapitbahay di mo siya kilala...
siya lang naman yung maangas na magaling sa basketball na mahilig gumamit ng board tuwing magbubuslo ng bola kaya natagguriang Board Man na sa isang laro namin nung bakasyon ng 2005 ay tatlong beses kong nahablutan ng bola dahil sa kanyang kaangasan sa pagdi-dribble a la freestyle ba at nung laro na rin na yun ay naitala ko ang aking unofficial career high na 17(out of 24) points ngunit 34(out of 48) points sa totoo kasi by 1 point lang ang scoring ngunit sa kinasamaang palad ay natalo pa rin kami by 6 points (12 sa totoo) kasi di umubra ang OFFENSIVE JUGGERNAUT ko sa well-balanced kahit tila pa-easy easy pang paglalaro ng mas matatangkad at mas may experience na kalaban na pinangungunahan nga ni Macabebe...

ahaha ang haba nun... wow, may OFFENSIVE JUGGERNAUT pang nalalaman... minsan masarap ding balik balikan yung tila once in a lifetime experience lamang kung mangyari...tulad nga ng aking ONE-MAN show noong aming laban a year ago... marami pang mas appropriate na term dyan... pwedeng I single-handedly carried my team in my slim shoulders... o kaya SCORING BLITZ... pwede ring may HOT HANDS ako noong laban namin kaya naman I SCORCH THE NET and TORCH OUR OPPONENT'S (weak) DEFENSE... haha, ok din palang gamitin ang mga term na yan sa sarili... (pwede rin palang BUHAKAW ang itawag sa ginawa ko, pero ayokong gamitin, at kayabangan naman ang pwedeng itawag sa ginagawa ko ngayon)tae, isang beses na lang talaga mangyayari yun, at chamba pa ata yun...
those were the days...tsktsktsk...

Ano ang meron sa pasko? mawawala ba naman ang tagayan sa tabi-tabi ang mga long-neck sa hapag o kaya ang marami-raming cases ng SMB o ang empy at granma...haha... kulang pa yan... isama pa ang maingay na pagbibida ng mga manginginom...meron niyan sa pasko...di na ata mawawala, o baka dito lang sa Baranggay Barangka meron... malabo...maraming may beer belly sa Pilipinas... hehe, isama pa mga pulis...

at di ganun kababaw ang pasko... pero di ko rin naman masasabi kung gaano ito kalalim... marahil narinig niyo na sa iba ang tunay na ibig sabihin ng pasko... at ayokong mag-parrot tungkol dun... love at love nga ang meron sa pasko, ang kaarawan ni Hesus, at siyempre andun din dapat ang ngiti... haha... kahit may GRINCH pa o SCROOGE na manggugulo o mang-aagaw ng pasko...haha... wala lang...

***Di dahil marami ka nang natutunan eh gagawin mo nang parang bobo yung naungusan mo ng dunong... mayabang...hehehe... ano pa nga naman ang aasahan mo sa tao, bawal ata ang gawaing mabuti...o baka bawal lang ang hindi cool kaya kailangan magaling ang tingin sa iyo... haaaaaaay... at ang masama niyan sinabi ko ito pagkatapos na pagkatapos kong i-share ang aking minsang Scoring Outburst na hindi na masasaksihan ng mundo(specifically ng mga kung sinu-sinong bata at iilang tambay sa court noong araw na iyon) magpakailanman...

(isa lang yun sa halos lahat na once in a lifetime moments ko... i live with every moments and it seems like it is always a moment...malay mo BAKA bukas wala na ito...maaring last na ito para sayo...maari rin namang hinde...hehehe)


Posted at 10:14 pm by arjen
Make a comment  




Friday, December 22, 2006
"Old enough to know better...young enough to pretend"

Isang maikling kwento na sana'y mabigyan ng atensyon... kahit hindi na lang...tae...

Minsan, may isang malaking myural na nasa isang pader...

at ito'y sobrang laki... nakabibighani...

pero sa isang tao, ito'y isang malaking kalokohan...

malapit lang siya sa work of art na iyon. Isang dungawan lang sa bintana niya makikita na niya ito. Isa siyang kilalang piloto, at nakapagpalipad na siya ng maraming uri ng eroplano, pero di niya pinapansin ang kagalingan niya, dahil para sa kanya, wala siyang kwenta. Hinahayaan na lamang niya na lamunin siya ng labis na kalungkutan, dulot ng mga kabiguang natamo at mga pagsisi sa mga gawaing di niya nagawa.

Lagi siyang nagtataka kung bakit maraming nagagandahan sa larawan na nakikita niya sa kanyang bintana. "isa lamang itong patay na puno, ano ang maganda sa patay na puno" Para sa piloto, isa lamang itong painting, painting ng isang patay na puno, nalalagasan ng mga dahon, at malapit ng mamatay. Dito siya lagi nagninilay nilay, ikinukumpara ang sarili sa painting na kanyang nakikita, natatanaw mula sa malungkot na bintana ng kanyang madilim na bahay. Iisang kandila lamang ang nagsisilbing liwanag ng kanyang tirahan, ito lamang ang siyang nagbibigay buhay,  kahit na madalas ay wala itong nagagawa upang pawiin ang kalungkutan.

Hindi lumalabas ng bahay ang piloto, sumasaya na siya tuwing naririnigniya ang mga huni ng ibon, o kung may mga naglalakas loob na pumasok sa loob ng kanyang napakalungkot na bahay, kahit na minsa'y malamig na hanging lamang ang pumapasok. Masaya siya kapag alam niya na hindi lang ang presensya niya ang nasa loob ng kanyang malungkot na bahay.

Parami ng parami ang pumupuri sa myural, wala raw hihigit sa labis na kagandahan nito. Kahit ang hangin na minsan nang pumasok sa bahay ng piloto ay nabibighani rito, ika nga nila, isa itong finest work of art.

Nagtaka na naman ang piloto, "Ano ang maganda sa isang patay na puno? Ganito na ba kababaw ang tao? Nabibighani na sila sa isang patay na puno? Malungkot maging patay na puno, sana nalaman nila yun, hindi ito maganda!"

At habang nakakulong pa rin siya sa kanyang malungkot na bahay, di pa rin niya makikita ang kagandahan ng myural.

Kapag hindi ang kabuuan ng myural ang nakikita mo, hindi ito ang nakikita mo.

HIndi lang pala ito isang painting, at hindi lang ito patay na puno. Isa itong myural ng isang paraiso, at ang tanging nadudungawan lang ng piloto ay ang malungkot at maliit na bahagi nito.

Tama pa rin ba ang nakikita mo? Baka kulang ang nasisilayan mo, at mabulag ka nito sa kung ano dapat ang makikita mo.

wakas


Posted at 08:44 pm by arjen
Make a comment  




Saturday, December 16, 2006
"Something of value, but something untrue"

monotonous, repetitive, parang yung giripit giripat na joke, paulit-ulit hangga't di mo na gegets yung buong saysay nung joke, meron nga ba?...
isa yun sa mga classic jokes...kaya astig...hehe...

malawak, pero bakante, walang saysay, parang yung malaking space dun sa may 2nd floor ng lrt station sa recto, at kung iyong mapapansin, pwedeng mag-shooting doon ng isang pinoy action scene, kung saan one-on-one na lamang yung bida at yung big boss, magsisigawan muna habang nasa likod ng iilang malalaking poste doon at tsaka magbabarilan...at minsan nauuwi sa isang suntukan(mawawalan ng bala)...a la Roi Vinzon-Robin Padilla o kaya Ruel Bernal-Lito Lapid...marami pa yan...at alam ko marami rin kayong alam...
syempre classic din yung action scene na mga ganun...kaya astig din yun...hehe...

nag-iisa, kahit maraming kasama, parang buwan sa kalangitan, pinalilibutan ng napakaraming bituin, walang sariling liwanag, nanghihiram sa araw na gaya ng iba niyang kasama ay isa ring bituin...at sa gabi, sa madilim na gabi, pagmasdan ang langit, mas magandang pagmasdan ang "Constellation" ng mga bituin kesa sa nag-iisang buwan...andun yung "Big Dipper" "Orion", "Ursa Major" "Ursa Minor" at kung anu-ano pang "Constellation"...shoot for the moon, even if you miss, you will land among the stars"
hindi ito classic...pero ayos pa rin...ayus!!!..aus!(through text)...

***
hango mula sa isang kanta...

merong isang mensahe, nakasulat sa isang pirasong papel, inipit sa libro na panget yung pabalat(cover). pero yung libro hindi pa nabubuklat nung nais na padalhan nung mensahe. at lumipas ng lumipas, ang papel ay nakaipit pa rin sa mga pahina ng libro, hindi pa rin nabuklat yung libro. kahit isang chapter lang sana ang unawain mo, mababasa mo yun, kahit iilang linya, malalaman mo yun. Iba ang pagtingin sa mga letra sa pagbabasa, sana basahin mo yun. Wala atang panahon sa pagbabasa, o kaya sadya lang walang kwenta ang libro, kaya kasama ng mensahe, nababalewala ito. it was written with sincerity and honesty, pero kapag wala kang pakielam its either nakaaasar ito o napakacorny. you only disappoint the ones who don't believe. maniwala ka dun, kung sakaling mababasa mo yung libro at yung mensahe.
Ano yung mensahe?
Subukan mong buklatin yung libro, at basahin yung nakaipit...malalaman mo yun...
ANo yung libro na pangit yung pabalat?
Subukan mong hanapin yung piraso ng papel, dun ito nakaipit sa libro...

***
Ang araw kapag sumikat, tinitingala, nasa taas, ang tao, pilit binabagsak...

ang basurero, madumi ang hitsura pero marangal...ang pulitiko marangal ang hitsura pero...

ang ibon kapag lumipad, may hangganan, may limitasyon, pero ang tao, wala.

***

Natapos din ang week na ito, aba mahirap atang tumapos ng isang linggo na may iniindang sakit sa tiyan, di ko alam kung bakit pero isang linggong masama ang lagay ng tiyan ko... irregular na kasi ang pagkain ko EH, kaya siguro...out of schedule na...I should blame my sched...7-1 straight walang kainan... buti na lang may mga murang kainan sa labas...pero nababalewala...masakit tiyan ko EH...

Posted at 11:36 pm by arjen
Make a comment  




Tuesday, December 12, 2006
"I'm melting...In your eyes...haha"

Naisip ko lang...
I stood silent for a couple of seconds...
Everyone knows their self so well...
6:00 ...
that they can't tell a lie to their self...
the morning shade of the sky...
if they do, they will be too contrite...regretful...
resembled another misery...
ewan...
the solitude of the sun...
ok, di lang ito basta post...
tells me everything of what I was...
kung akala mo ganito lang ito...
then the blue turned black...
nagkakamali ka...
the clouds, the sun...
you need to read between the lines...
replaced by the stars, the moon...
at malalaman mo na may ibig sabihin ang post na ito...
and a thought of you...
hehehe...actually wala talaga...
6:00
ayun...nafe-feel ko na ang pasko...pati na rin ung x-mas vacation...
it was 6:00...
kasi malamig na minsan tuwing gabi...
a day has passed...
madaling araw pala, tuwing ako'y matutulog pa lamang...
without much of a change...
actually noong sembreak ko pa nararamdaman ang x-mas vacation...
reminds me of what I lack...
excited ako...sunod dun summer bakasyon naman...
I closed my eyes...and realized...
di naman sa tinatamad ako, pero masarap naman minsan ang bakasyon...
2:00
dati naman galit ako dito, pati na rin sa mga holidays...
Another dream of you...
lalo na dun sa mga holidays na inaatras ni pGMA ng date...
and the night fleeted away...
bka isunod niya yung Pasko...hindi naman siguro...
and I am silent...
haaaay, tae nagbago na ko...
again...
kahit konti lang, at hindi lang ako ang may dahilan kung bakit...
it was 6:00...
I have a lot to blame...
another day...
and to thank...
I should not think about you this way...
ahaha...tama na ito...
but I can't...
muli...subukan niyong basahin ulit lahat...
I am always get caught lying to myself...
baka may nakakaligtaan ka...
everytime I deny this certain kind of awkwardness...
somewhere between words, there are thoughts...
"it's you I can't deny"
even if they are worthless...
--TBS
hehehe...

Posted at 10:11 pm by arjen
Make a comment  




Friday, December 01, 2006
Spirit of the christmas tree, lanterns, x-mas lights, etc...

"Constants aren't so constant anymore..." --valentine, get up kids

Napansin ko lang, masaya pa lang balik balikan ang mga first time na naganap. Kasi ngayon, ibang iba na ang pakiramdam, hindi na tulad ng dati. natutuwa lang ako at nangingiti tuwing naaalala ko ang bawat first time, kasi ngayon wala na yung excitement, wala na yung pagkabigla, wala na yung panggugulat, wala na itong epekto sa iba. di na tulad nung dati. normal na uli ang dating, wala nang special recognition, andun na yung pagkasawa. di na tulad nung dati. tanggap ko na pagbabago lamang ang permanente, pero ang makita at maramdaman ang dahilan kung bakit ito binansagan ng ganun ay di ko maatim minsan. unang beses ko itong maramdaman, andun ang pagkagulat, pero di na rin tulad ng dati. ibang iba na, kulang man sa pagbabago, pero ibang iba na talaga. di ka na tulad ng dati, di na ako tulad ng dati, di na kayo tulad ng dati, di na tulad ng dati ang mga bagay, di na tulad ng dati ang ngiti, di na tulad ng dati ang nararamdaman, di na tulad ng dati ang mga pangyayari, di na tulad ng dati ang bawat halakhak, di na tulad ng dati ang pakiramdam, di na tulad ng dati ang usapan, di na tulad ng dati ang bawat minuto, di na tulad ng dati ang bawat sandali, di na tulad ng dati ang bawat ideya, di na tulad ng dati ang gabi, di na tulad ng dati ang araw, di na tulad ng dati ang mga pagkakataong ako'y nag-iisa, di na tulad ng dati ang bawat minuto na ikaw/kayo ay kasama, di na tulad ng dati ang mga tala, di na tulad ng dati ang bawat patak ng ulan. at higit sa lahat di na tulad ng dati ang bawat pagbabagong ganito, mabilis na ito... mabilis kang nagbago, mabilis silang nagbago, mabilis akong nagbago...

at ngayong nalalapit na ang pasko...advance merry christmas sa lahat!!!...

at minsan, sa isang simpleng gawain na ginawa mo, panalangin o hiling na pala ito ng iba para sa kanila. anong malay mo, yun palang simpleng sandali na ibinahagi mo ay isa nang dalangin sa Diyos ng iba, di mo lamang siguro ito namamalayan, pero minsan natutupad ang hiling ng iba dahil sa iyo.

minsan, ang kakaunting barya, ang simpleng ngiti, ang masayang pagbati, ang bawat minutong naibahagi, ang simpleng pagtulong, at ang mga simpleng oras na kasama ang iyong presensya ay katumbas na ng isang hiling, di mo lang alam, napapasaya mo pala ang iba. di mo lang alam, baka napapasaya mo rin pala ako, di mo lang alam napapasaya mo pala ang simpleng buhay ng iba, pati na rin ang mababaw na buhay ko. di mo lang alam. baka christmas wishlist na pala nila ang gagawin mo, pero di mo ginawa. kababawan man ito, pero ngiti ito para sa iba, simpleng kaligayahan na para sa kanila.

Yun pala, yung pagbati mo ng isang HI o kahit anong pagbati at ang simpleng pag-ngiti mo ay isa nang dream come true sa isang nilalang. hindi mo lang talaga alam.

 

 

*halaw mula sa deadletterbox pt1(ung mas jologs, mas korni, mas walang kwenta, at marami pang mas... sobra korny kagaguhan talaga...hehehe) ...

Thanks for the memories, Thanks for the pain Thanks for the situations you put yourself in...An Endless story...too short to summarize... Is all that I've heard from your silent whispers... Everytime!! Everytime!!

The crutches, the numbness...Soothes the feeling of being alone... Sharp cries, Pointed miseries... Take its way to me...silence broke its sleep... The ghost of your affection... Is all that I will ever see...Forever...(sana hinde)

 

 

 

Merry Christmas!!!


Posted at 07:58 pm by arjen
Make a comment  




Profile




arjen
Male
Marikina
Ang blog na ito ay ginawa upang ipakita ang mga karanasan, puna o criticisms, mga panama na di pwedeng banggitin kung sino ang dapat tamaan, mga sikretong matagal nang hindi nabubunyag, mga hinaing, PANGARAP, at mga kataehan... Masyadong mahiyain ang may-ari nito... Dito niyo matutunghayan ang mga di-kapanapanabik na pakikipagsapalaran ng isang indibidwal tungo sa landas ng walang patutunguhan.


Tagboard






Archive Calendar

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31

Links

Links
Y!...
Shiela
For archives, or previous posts, explore the links located above the stupid title of this blog...














Contact

Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed

Blogdrive



Back to Top